P2.68-B PINSALA NG EL NIÑO SA AGRIKULTURA

El Niño-6

Ni FRANCIS SORIANO

TINATAYANG nasa  P2.68 billion halaga ng agrikultura kabilang na ang P1.45 billion tanim na palay ang naitalang pinsala na dulot ng El Niño phenomenon.

Ayong sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), bumuo na ang National Economic and Development Authority (NEDA) ng Roadmap for Addressing the Impact of El Niño (RAIN), na kapareho nang kanilang binuo noong 2015 para sa food security, energy security, health at safety.

Habang nakamonitor naman ang Department of Agriculture (DA) at nakipag-ugnayan na rin sa mga units nito gayundin sa Pagasa at sa National Irrigation Administration (NIA).

Kasabay nito, naglabas na rin ng pondo ang DA para sa cloud-seeding operations, gayun din ang  Social Welfare and Development (DSWD) para sa kanilang standby resources.

Samantala, ang Soccskargen naman ang siyang pinaka-apektadong rehiyon sa bansa na tinamaan ng El Niño.

102

Related posts

Leave a Comment