(DANG SAMSON-GARCIA)
NAIS ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na ipatawag sa hearing sa Senado ang mga doktor na nangangasiwa sa New Bilibid Prisons (NBP) Hospital.
“Ang NBP hospital may pangalan ng doktor. I would request the chairman to issue invitations or summonses to those doctors na nagmamando sa hospital,” saad ni Lacson.
“There are reports natanggap namin sa opisina, nag-range from P200,000 to even P2M para ma-confine or ma-admit sa hospital. And meron pang board and lodging amounting to P30,000 a day. Hindi mangyayari yan kung walang magse-certify na doctor. So we need to find out kung ano ang flow ng communication once an inmate, a PDL, would request confinement in the NBP hospital,” dagdag ng senador.
Partikular na nais malaman ni Lacson kung sino ang madalas na pasyente sa pagamutan at alamin ang diagnosis nito.
“So we have to get the records kung sino ang mga perennial na na-admit sa hospital and for how long. Tapos magkaroon ng diagnosis ano talaga ang sakit nila,” diin pa ni Lacson.
Kinumpirma pa ni Lacson na may impormasyon na siya sa mga doktor na posibleng may kinalaman sa iregularidad.
“These are doctors, I won’t name them first hanggang ma-issue ang invitations or summonses sa kanila,” pahayag ng mambabatas.
“Libre ka, nagpapahinga ka. Sa hospital iba ang environment, iba ang kilos mo, hindi masyadong restricted,” paliwanag pa ni Lacson kung bakit mas gusto ng mga inmate sa pagamutan.
Kumbinsido naman si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nagaganap ang iba’t ibang transaksyon sa pagamutan.
“Doon nagnenegosyo, doon kung minsan yung kung ano ang gusto nilang gawin, kung minsan may minimeet na tao, minsan daw ay doon yung transaksiyon, for whatever transactions they want,” saad ni Sotto.
“Grabe. This is a whole new different type of perspective that we are seeing here. I am so glad that the ombudsman has done a swift action on the matter. Palagay ko talagang may mga kailangang ungkatin natin bago baguhin,” dagdag pa nito.
151