P3-B PONDO NAGLAHO; 320-K TESDA SCHOLAR NATENGGA

tesda scholars

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI bababa sa 320,000 scholars  ng  Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang hindi makapag-aaral dahil sa P3 bilyon pondo ng ahensya na kinuha umano ng Senado at hindi alam kung saan ito dinala ng mga senador.

Sa press conference, Miyerkoles ng hapon, sinabi ni House deputy majority leader Rodante Maroleta na halos P75 bilyon ang nare-align ng mga senador sa P3.757 Trilyon national budget kabilang na ang P3 bilyon ng TESDA.

“P3 bilyon yung TESDA scholarship.P3B itong nawala na kinuha nila (Senado),” pagkumpirma ni Marcoleta na ayon naman sa isang impormante sa Kamara ay unang inilaan ito para sa 320,000 scholarship o libreng pag-aaral ng mga kabataang Filipino para sa mga techinical courses.

“Paano iyong rebel returnees at saka iyong out-of-school youth at saka iyong mga drug rehab na kinakailangan natin? P3-B itong nawala na kinuha nila,” pahayag ni Marcoleta.

Maliban dito, kinumpirma ni Marcoleta kinuha din umano ng Senado ang  P2.5 Billion ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa greening program; P11 Billion ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa right of way at P2.5 Billion na foreign assisted projects subalit hindi nila sinasabi kung saan nila itong inilipat.

Sa nakuhang impormasyon naman sa isang source sa Kamara, kabilang sa mga kinuha ng mga senador pero ayaw nilang sabihin kung saan inilipat ay ang P5 Billion ng Department of Transportation (DOTr); P39 Billion na pension and gratutity, P831 million sa Department of Department of Agriculture (DA) at P7 bilyon ng  Miscellaneous Personnel Benefits Fund.

Kasama din umano sa pondo na kinuha ng Senado subalit hindi alam ng kung saan inilagay dahil ayaw mag-itemized ang mga senador ay ang P2.5 Billion ng Department of Foriegn Affairs (DFA); P680 Million ng Department of Energy (DOE) na kinabibilangan ng P200 Million para sa Philippine National Oil Company at P480 Million ng National Electrification Administration (NEA).

Wala rin umanong nakakaalam kung saan inilagay ng mga senador ang P852 Million ng National Irrigation Administration (NIA) at P100 Million para sa Local Government Support Funds na kanilang kinuha.

 

 

71

Related posts

Leave a Comment