P30K NA SAHOD SA TEACHERS, NURSES IGINIIT

teac12

(NI BERNARD TAGUINOD)

HABANG palapit ang Labor Day o Araw ng Pagggawa, nangungulit ang isang grupo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Duterte na itaas ang sahod ng mga professionals tulad ng mga guro at nurses na nagtatrabaho sa mga pampublikong pagamutan.

Tila naniningil ang Alliance of Concerned Teachers na kinakatawan nina Reps. Antonio Tinio at France Castro kay Duterte na tuparin na nito ang kanyang campaign promise noong 2016 na itaas ang sahod ng mga public school teachers.

Ayon sa grupo, hindi makatuwiran umano ang P20,179 na entry-level salary ng mga public school teachers dahil pataas na pataas na presyo ng mga bilihin lalo na ang pagkain.

Dahil dito, iminungkahi ng grupo nina Tinio at Castro na gawing P30,000 ang entry-level salary ng mga public school teachers kasama na ang mga nurse sa mga pampublikong pagamitan.

Maliban dito, kailangan na rin umanong itaas sa P16,000 ang Salary Grade (SG) 1 mula sa kasalukuyang P11,068 na sinasahod g mga may pinakamababang posisyon sa gobyerno.

Kasama rin sa ikinukulit ng grupo ang minimum wage na kailangan umanong maitaas sa P750 kada araw mula sa kasalukuyang P537 dahil mula nang ipinatupad umano ang Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law ay nabawasan ang halaga ng sahod ng lahat ng mga manggagawa.

“TRAIN Law eroded the value of workers’ salaries. For Teacher I, their 2018 salary of P20,179 only had a real value of P18,282 due to marked inflation,” ayon sa nasabing grupo.

Mas malaki din umno ang nawala sa mga mahihirap na consumers na tinamaan ng TRAIN Law dahil mula nang ipatupad ito noong Enero 2018 ay tumaas na ang lahat ng presyo ng bilihin at hindi na ito naibalik sa dating halaga nang wala pa ang nasabing batas.

“IBON Foundation data shows that the poorest families lost P3,300 to P7,300 of their income,” ayon pa sa grupo dahil sa TRAIN law.

 

135

Related posts

Leave a Comment