P50-B PONDO NG GOBYERNO INAAMAG

money100

(NI BERNARD TAGUINOD)

SA gitna ng  bagong pagbubuwis tulad ng second tranche ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, tinatayang  P50 bilyon ang inaamag at hindi ginagamit ng gobyerno.

Ito ang naisiwalat sa imbestigasyon ng House committee on appropriations mga transaksyon ng tanggapan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno.

Sinabi ni Camarines Sur Rep. Benjamin Diokno na naipon ang pondong ito matapos magsingit umano ng probisyon ang Kalihim sa Implementing Rules and Regulation (IRR) sa Republic Act 9184 o  Government Procurement Reform Act.

“An estimated P50 billion in public funds has accumulated in two little-known government offices and remain unused for one to five years, thanks to revisions inserted by DBM Sec. Benjamin Diokno in the Implementing Rules for procurement,” ani Andaya.

Mismong ang mga opisyales ng Commission on Audit (CoA) ang nagbunyag sa pagdinig na umaabot sa P17 bilyong public funds na naitranfers ng iba’t ibang ahensya sa sa Procurement Service ng DBM.

Maliban dito, umaabot din umano sa P31.6 bilyon ang inaamag sa Philippine International Trading Corp., isang departamento ng Department of Trade and Industry (DTI) na galing din umano sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Sinabi ni Joey Bernardino, COA Team Leader na inatasang mag-audit sa DBM-PS na lumubo ang Inter-agency fund transfers (IAFTs) mula sa National Government Agencies (NGA)  sa DBM-PS sa P16.6 bilyon dahil sa probisyon ng isiningit umano ng Government Procurement Policy Board (GPBB) kung saan chairman si Diokno, sa IRR ng nasabing batas para sila na ang magpabidding ng mga proyekto ng mga ahensya.

Kabilang sa mga pondong kinuha umano ng DBM-PS ang P4.6 Billion pondo ng Philippine National Police (PNP) at Department of Education (DepEd) na umaabot ng P2.4 bilyon subalit hindi ginagamit.

“Ang daming pangangailangan ng PNP at DepEd, hindi naman pala nagagamit ang bilyong pondo nila at nakatago lang ito sa DBM-PS. Dapat nagagamit na ang mga pondong ito para sa ikabubuti ng serbisyo ng ating mga pulis at titser,” ani Andaya.

Mayroon din umanong nakatagong P426.5 milyon  sa DBM-PS mula sa  Government Owned and Controlled Corporations at P49.8 Million na galing naman sa Local Government Units (LGUs).

 

 

140

Related posts

Leave a Comment