P7.2 TRILYON INUTANG NG DU30 ADMIN SISILIPIN

IMINUNGKAHI ng isang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na imbestigahan ang P7.2 trillion na inutang ng administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng anim na taon.

Ayon kay Deputy Majority Leader Janette Garin, karapatan ng taumbayan na malaman kung saan ginamit ang inutang ng nakaraang administrasyon at kung talagang nakinabang dito ang sambayanang Pilipino.

“Government loans are very serious matter. Why? Sinangla mo kasi yung future ng iyong mga anak at mga apo and sometimes it’s even more than that. So why is it important to talk about this?

Kasi hindi pwedeng may blanket authority lang yan just like what we saw in the pandemic. Nung pandemic kasi parang naging excuse na umutang kaliwa’t kanan,” ani Garin.

Lumobo ang utang ng nakaraang administrasyon noong panahon ng pandemya sa COVID-19 kaya nalagpasan na umano ang inutang ng mga dating Pangulo ng bansa mula kay dating Pangulong Manuel L. Quezon hanggang kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

“Nakita naman natin na andaming inutang para sa bakuna. Again, a no-no. Loans should be dealt sacredly. Kasi minsan, madaling umutang pagkatapos bahala na si Batman sa bayaran,” ayon pa sa mambabatas.

Ipinaliwanag nito na kapag palaki ng palaki ang utang ay palaki din nang palaki ang inilalaan na pondo para sa pambayad ng interes pa lamang dahil sa tinawag na automatic appropriations para masiguro na magbayad ang gobyerno sa utang nito sa loob at labas ng bansa.

“Not like yung the situation of the pandemic na ang mahal mahal ng testing na binabayaran ng bawat tao. Ang laki-laki ng nagastos ng PhilHealth doon sa testing. Sinisingil pa yung tao aside sa bayad ng PhilHealth. Pero nakikita natin bilyon bilyon ang inutang para sa testing. Dapat libre yon,” ayon pa kay Garin.

Hindi binanggit ng mambabatas kung magkano sa P7.2 trillion na inutang ng Duterte administrasyon na ginamit COVID-19 pandemic. (BERNARD TAGUINOD)

53

Related posts

Leave a Comment