P8.7-B ILOILO PORT REHAB OK SA SENADO

iloilo12

(NI NOEL ABUEL)

SUPORTADO ni Senador Franklin Drilon ang plano ng business tycoon na si Enrique Razon Jr. na paglaanan ng P8.7 bilyon ang Port of Iloilo para sa pagsasaayos nito.

Ayon sa senador matapos ang pakikipagpulong nito sa ilang Ilonggo political leaders at business groups sa pangunguna ng Iloilo Economic Development Foundation (ILED) ni Christian Gonzalez, ICTSI’s Global corporate head, nagpahayag si Razon na nagkasundo na ang International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) sa nasabing proyekto lalo na at sa ikabubuti umano ito ng mga taga-Iloilo.

Hinihintay na lamang umano ang pag-aksyon ng mga opisyales ng Philippine Ports Authority (PPA) board para maisagawa ang pagsasaayos ng Iloilo Port.

“The expansion of Iloilo port sits well with our plans for the province. This early we are seeing a heightened shipping activity in the province due to the economic developments that have taken place in the province for the past years,” ani Drilon.

“We have to develop our port and equip it with modern facilities so it can continue to accommodate the growing demands for port services,” dagdag pa nito.

Paliwanag ni Drilon na ang plano ng ICTSI ay tamang-tama para sa Iloilo na nagiging pangunahing exporter ng mga agricultural products sa sandaling matapos ang Jalaur River Multi-purpose Project sa taong 2022.

123

Related posts

Leave a Comment