(NI NOEL ABUEL)
TULAD ng mga nakalipas na taon matapos magwagi sa laban ay tatanggap ng parangal si Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao sa mga kasama nitong senador.
Pinangunahan ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang paghahain ng resolusyon na magbibigay ng parangal sa Pambansang Kamao dahil sa matagumpay na laban nito sa Amerikanong si Keith Thurman at makuha ang World Boxing Association (WBA) Super Welterweight belt.
“His victory is the victory of the whole nation. His life story, hard work and dedication to serve God and the People are inspiration to all Filipinos,” sabi ni Go.
“Muli mo na namang naipakita sa buong mundo ang galing ng Pinoy sa larangan ng sports. Maraming salamat sa patuloy na pagbibigay mo ng karangalan sa bansa. Mabuhay ka, Pambansang Kamao!” dagdag nito.
Sa ilalim ng Senate Resolution No. 20, nakasaad na patuloy ang pagbibigay ng karangalan sa Pilipinas ni Pacquiao sa kanyang professional boxing career.
“Over the course of his long and decorated career, Senator Manny Pacquiao has managed to accomplish what no other boxer in history has accomplished. He has captured twelve world-titles in eight separate weight divisions, marking an unprecedented ascent up the scales,” ayon pa kay Go.
152