PAG-IWAS SA POWER INTERRUPTION IDINUDULOG SA ‘ENERGY FAMILY’

DEPARTMENT OF ENERGY

(NI ROSE G. PULGAR)

PATULOY ang koordinasyon ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa mga power industry players upang tugunan ang pagtaas ng demand at pagkaubos ng reserbang enerhiya para sa buwan ng summer.

“The entire energy family should take a pro-active approach towards securing our power supply, especially since it is both summer and election season,” saad ni Sec. Cusi.

Ayon sa napagkasunduan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), Independent Electricity Market Operator of the Philippines, Manila Electric Company (Meralco), at ng DOE, kailangan umanong patuloy na obserbahan ang power situation lalo na dahil unti-unting nauubos ang reserba sa pagtaas ng pangangailangan dala na rin ng mainit na panahon.

Ilang estratihiya rin ang naisip ng Meralco officials sa nagdaan nilang pagpupulong.

Kabilang rito ang paglikha ng additional power bypass lines, ang tamang paggamit ng available power plants, pati na rin ang application ng demand-side management at ang pagpapalaganap ng tamang impormasyon sa mga konsumer.

“It shall be implemented as a last resort given the additional costs the ILP would bring to consumers.” diin pa ni Sec. Cusi patungkol sa usapin ukol sa Interruptible Load Program (ILP).

Nabatid na ang ILP ay nagsisilbing option para sa  Distribution Utilities (DUs) katulad ng Meralco at iba pang electric cooperatives upang pakiusapan ang kanilang big load customers na gumamit ng sariling generator.

“We will not wait for a loss of power to occur. The ILP is there as a final option to help us prevent a supply shortage,” dagdag ni Cusi.

Kamakailan  ay nagbaba ng yellow alert status ang NGCP, alas 4:00 ng hapon dahil na rin sa kakulangan sa power operating reserve na dala ng mababang demand.

 

 

64

Related posts

Leave a Comment