(NI BETH CAMIA)
INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang pinag-aaralan ang pagbili ng mga armas mula sa Estados Unidos.
Ito ay dahil sa nagpapatuloy na magandang ugnayan nila ni US President Donald Trump.
Taliwas ito sa kanyang naunang pahayag na sa Russia bibili ng mga armas ang Armed Forces of the Philippines (AFP) makaraan niyang personal na makaharap si Russian President Vladimir Putin.
Ito rin ang naging tugon ng Pangulo nang sabihin ng US na hindi na sila magbibigay ng military aid sa Pilipinas kapag itinuloy ng pamahalaan ang pagbili ng mga armas sa Russia.
Bagama’t nagkaroon ng hindi magandang karanasan ang bansa sa mga nabili noon na mga baril sa US ay pwede naman umanong muling buksan ang posibilidad ng pagbili ng military hardware sa nasabing bansa.
Sakaling matuloy ang pagbili ng mga armas sa US, sinabi ng Pangulo na hindi naman ito nangangahulugan na lalayo na ang Pilipinas sa pakikipag-kaibigan sa Russia at China.
284