PAGDAGSA NG FOREIGN DOCTORS SISILIPIN NG DOH, BI 

doh12

(NI NOEL ABUEL)

IKINAGALAK  ni Senador Richard J. Gordon ang suporta ng Malacanang sa panawagan nitong imbestigahan ang pagdagsa ng mga foreign doctors sa bansa na posibleng dumaan sa kamay ng mga sindikato.

Ayon sa senador, nababahala ito sa dumaraming bilang mga dayuhang doktor sa bansa na nagiging kalaban ng mga Filipinong manggagamot.

Naniniwala umano ito na ang mga foreign doctors ay nagagawang makapasok sa bansa sa pamamagitan ng paggamit ng entry at employment na nangggaling sa mga sindikato para makapasok sa ilang pagamutan sa bansa nang walang sapat na permit at dokumento.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Gordon, chair ng Senate Blue Ribbon Committee, ang Department of Health (DoH) at Bureau of Immigration (BI) sa mabilis na pag-aksyon sa hiling nitong imbestigahan ang nasabing isyu.

“I don’t want the public to be hurt by doctors who are not authorized, under our laws, to see to patients. Hindi dapat ini-eksperimento ang mga tao, hindi in-expose sa mga ‘di naman dapat humawak sa kanila. We really have to make sure that this illegal practice is stopped, that’s why I am glad that Malacanang is backing me up on this and that the DoH and the BI are taking immediate action,” ayon sa senador.

Paliwanag ni Gordon, tahasang paglabag ito sa itinatakda ng Republic Act 2382 o ang Medical Act of 1959 at RA 8981 o Professional Regulatory Commission Modernization Act of 2000.

“Ayon pa du’n sa nakuha kong report, ang mga foreign doctors ay nagbabayad ng P100,000 kada taon bawat isa para lang makapag-residency o makapag-train dito, pwera pa sa P29,000 kada buwan na upa nila sa kwartong titirahan nila. Saan napupunta ‘yun? Sino ang kumikita? From the mayor to the hospital officials. Malaking racket talaga ito,” giit ni Gordon.

 

 

133

Related posts

Leave a Comment