PAGHIHIGPIT SA VISA PINASASAKOP LAHAT NG CHINESE, POGO WORKERS

HINDI lang mga turista mula sa China ang dapat higpitan bago pagkalooban ng Philippine Visa kundi maging ang mga Chinese student at nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Ito ang mungkahi ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez matapos ianunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maghihigpit na ang mga ito sa pagbibigay ng visa sa mga Chinese tourist.

Ang aksyong ito ng Pilipinas ay kasunod ng pambobomba ng dalawang Chinese Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Panatag Shoal o Bajo de Masinloc kamakailan.

“I am urging the DFA and our diplomatic posts in China to apply these stricter rules on all China’s nationals applying for whatever type of visa, whether they are businessmen, tourists, workers, or students,”ayon sa mambabatas.

Ipinaliwanag ng kongresista na maraming Chinese nationals ang pumasok sa Pilipinas nagtrabaho sa mga POGOhan ang nasangkot sa mga ilegal na aktibidad at krimen tulad ng murder, extortion, kidnapping at prostitution.

Kahit ano ring ang sabihin aniya ng China, nakadududa ang pagdagsa ng mamamayan nito na nag-aaral sa Cagayan kung saan may dalawang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) site at isa pa sa kalapit na lalawigan ng Isabela.

“Let us have a more comprehensive and stringent vetting of Chinese visa applicants for the sake of peace and order in the country, and our national security. Let us be on the lookout for Trojan horses among them,” dagdag pa nito.

Iginiit din ni Rodriguez sa DFA, Bureau of Immigration (BI) at Commission on Higher Education (CHED) na magsagawa ng imbentaryo kung ilang Chinese national ang nag-aaral sa Cagayan at maging sa Isabela, Nueva Vizcaya at Cordillera Region at iba pang bahagi ng bansa sa lalong madaling panahon. (BERNARD TAGUINOD)

31

Related posts

Leave a Comment