PAGHIMAY SA SANHI NG MATINDING PAGBAHA SA LUZON UMARANGKADA

INIHAYAG ni Senador Cynthia Villar na sinimulan nang himayin ng Senado ang sanhi ng malawakang pagbaha sa Luzon partikular sa Cagayan, Isabela at Marikina City sa pananalasa ng bagyong Ulysses noong nakaraang buwan.

Kasabay nito, hiniling naman ni Senador Risa Hontiveros sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na imbestigahan ang land grabbing activities sa mga protected areas na dapat walang human activity.

Ayon kay Villar, sinimulan ang virtual hearing upang imbestigahan ang malawakang pagbaha matapos dumaan ang ilang bagyo at kailangan makalikha ng batas sa proteksiyon at konserbasyon ng forest cover at waterways.

“In our hearing today, we expect to be informed on the green infrastructure needed, referring to an approach that protects and restores natural ecosystem such as forest, watershed, plants, and waterways that provide protection to the communities near them and mitigate, if not altogether prevent, devastating effects of calamities to these communities,” ayon kay Villar.

Ayon naman kay Hontiveros, dapat malaman ng komite kung gaano kaepektibo ang ating batas na nagbibigay proteksiyon sa ating watersheds at kagubatan.

“What have we done to stop illegal activities in protected areas? Why is logging and quarrying rampant despite the many laws that prohibit these acts?” tanong ni Hontiveros.

Hiniling din niya sa gobyerno na suportahan ang “intergenerational” measures upang matugunan ang climate vulnerability ng bansa.

Samantala, pinuna ni Hontiveros ang land-grabbing activities sa mga protected areas na pinaghihinalaang sanhi ng malawakang pagbaha sa pagdaan ng bagyong Rolly at Ulysses.

Kinuwestiyon din ni Hontiveros ang ibinigay na mining permits na ibinigay sa quarry firms na Rapid City Realty and Development, Co. at Quarry Rock Group, Inc. na nahuling nanghihimasok sa Masungi Georeserve nitong unang bahagi ng taon.

Binanggit din ng senador ang DENR Administrative Order 1993-33 na nagsasabing mahigpit na ipinagbabawal ang quarrying at mineral exploration sa paligid at loob ng Masungi limestones. (ESTONG REYES)

192

Related posts

Leave a Comment