(NI ABBY MENDOZA)
PAGPASOK ng buwan ng Nobyembre ay tiyak na lalala pa ang nararanasang traffic sa kahabaan ng Edsa dala na ng holiday rush at Sea Games, kaya hiling ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na ipatupad na ng Metro Manila Development Authority (MMFA) at sa Department of Transportation (DOTr) ang iminumungkahi nitong ban ng mga private cars sa Edsa tuwing rush hours.
Ayon kay Erice, kung matindi na ang nararanasang traffic ng mga commuters at mga motorista ngayon ay asahan pa ang worst traffic situation sa susunod na buwan, kaya umaasa itong aaksyunan ng MMDA at hahanap na habang maaga ng alternatibong solusyon.
Sa unang pagtataya ng MMDA ay madaragdagan pa ng 20% ang volume ng mga sasakyan sa EDSA.
Kumpiyansa si Erice na epektibong paraan para matulungan ang mayorya ng mga commuters ngayong Christmas season ay ipagbawal tuwing rush hour ang mga private cars sa Edsa at hayaan ito sa mas maraming mga nagko-commute na motorista.
Bagama’t sinabi ng MMDA na pag- aaralan ang panukala ni Erice ay hindi naman na ito umusad matapos na rin angalan ng mg private car owners ang suhestiyon ni Erice dahil wala naman ibang alternatibong ruta na maaaring ibigay sa mga private cars.
168