PAGLUSOT NG 2019 BUDGET KAY DU30 ASAM NG KONGRESO

congress duterte12

(NI BERNARD TAGUINOD)

TIWALA ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na lulusot kay Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 General Appropriations Act (GAA) o 2019 national budget dahil sumunod ang mga ito sa Konstitusyon.

Ginawa ni House appropriation committee chair Rolando Andaya Jr., ang pahayag matapos pirmahan ni Senate President Vicente Sotto III ang GAA subalit may reservations ang mga senador dahil kontra pa rin sila sa pag-itemize sa mga lumpsum budget na ginawa pagkatapos ratipikahan ang pondo.

Anumang araw ay maaari nang pirmahan ni Pangulong Duterte ang national budget na nagkakahalaga ng P3.757 Trillion matapos ma-delay ng tatlong buwan nang mabigo ang dalawang kapulungan na maipasa at maratipikahan ito noong Disyembre 2018.

Nagpasalamat si Andaya sa lidearato ng Senado dahil nagkasundo ang mga ito na ibigay na sa tanggapan ng Pangulo ang national budget ay hayaan si Duterte na magdesisyon sa pinagtatalunang pondo.

Tatanggapin umano ng mga ito ang anumang desisyon ni Duterte kung ive-veto nito ang national budget partikular na ang pag-itemize ng mga ito sa may P75 Billion lumpsum budget.

 

129

Related posts

Leave a Comment