(NI MAC CABREROS)
HINILING ng isang infrastructure-oriented think tank sa administrasyong Duterte na agapan ang yellow alert o pagnipis sa supply at pagkawala ng kuryente sa Luzon grid.
“President Rodrigo Duterte should not allow a double whammy of a supply crisis in Metro Manila: no water in our faucets, and no lights in our homes,” pahayag Terry Ridon, Infrawatch PH Convenor.
Sinabi Ridon na kailangang gawin ng gobyerno ang mga nararapat na hakbang upang maiwasan ang power crisis na naranasan noong2013.
Sa parte ng Manila Electric Company na may pinakamalaking lugar na nasasakupan sa Luzon, inihayag ni Mr. Joe Zaldarriaga, tagapagsalita, na sapat ang supply ng kuryente hanggang Mayo.
“Wala tayong dapat ipangamba. Sa kabuuan ng Meralco franchise area, sapat ang supply ng kuryente hanggang Mayo,” pagtiyak Zaldarriaga.
Aniya, mas maraming planta ang gumagamit ng natural gas kumpara sa hydropower kaya’t hindi gaano apektado ng water crisis ang produksyon ng kuryente.
Inihayag nito na tanging maliliit at panandalian lamang ang mararanasang pagkawala ng kuryente dahil sa pagkukumpuni ng kanilang pasilidad at linya ng kuryente.
Iniabiso ng Meralco na mawawalan ng kuryente mula alas-onse ng gabi ng Abril 4 hanggang alas-5:30 ng Abril 5 ang bahagi ng Nicanor Roxas Street (Laong Laan) sa Sampaloc dahil aayusin ang linya ng kuryente dito. Mapuputol din ang serbisyo ng kuryente ang ilang bahagi ng Quirino Highway mula Newton Drive sa San Jose Del
Monte City, Bulacan, ganap ala-una hanggang alas-dos ng madaling araw sa Abril 6.