ILLEGAL SA LOOB NG PIITAN BUKING; OPISYAL BINALASA

bi121

(NI FROILAN MORALLOS)

BINALASA ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang BI Warden Facility Protection Unit (BIWFPU) sa Camp Bagong Diwa, Taguig, makaraang makuhanan ng maraming illegal items sa tulugan ng mga nakakulong .

Ito ay matapos ang random inspection noong March 25 na pinangunahan ni Intelligence Officer Melody Penelope Gonzales, kasama ang mga tauhan ng Philippine National Police Special Action Force.

Maliban sa P100,000 na itinago ng mga warden,  nakumpiska rin ang iba’t ibang ipinagbabawal na kagamitan katulad ng  laptop, chargers, speakers, tablets, cellular phones, DVD players, power banks, casino chips, carpentry tools, cigarettes, lighters, knives, carpentry tools, at pirated DVDs.

Pansamantalang kinumpiska ang  anim na laptop, isang tablet, at 23 cellular phones at ipadadaan  sa forensic examination upang malaman kung ano ang mga illegal activities na kinasasangkutan ng mga nakakulong.

Sinibak si BI WFPU head Niño Oliver Dato dahil sa kapabayaan matapos makarating sa kinauukulan ang tungkol sa umano’y online illegal business ng mga detainee sa loob ng kulungan .

110

Related posts

Leave a Comment