PAGSASAPRIBADO NG NAIA TINUTULAN

NANINIWALA sina Senador JV Ejercito at Senador Nancy Binay na hindi makatutulong sa tunay na problema ang itinutulak na privatization ng Ninoy Aquino International Airport.

Ayon kay Ejercito, dapat matuto na ang gobyerno sa mga naging pagkakamali sa pagsasapribado ng NAPOCOR plants, NGCP, National Steel Corporation at Fort Bonifacio.

Iginiit ng senador na dapat kontrolado ng gobyerno ang lahat ng vital utilities sa bansa.

Sinabi naman ni Binay na hindi dapat hayaan na pribadong kumpanya ang humawak at mangasiwa sa kritikal na government facilities tulad ng NAIA dahil may kaakibat itong national security concerns.

Non-negotiable anya ito kung hindi mababawasan ang papel at kontrol ng gobyerno sa ating airspace

Nilinaw pa ni Binay na magkaiba ang airport management at operations sa air traffic operations at hindi anya uubra na isapribado ang components ng national aviation system.

Samantala, sinabi ni Binay na ang magandang isapribado ay ang commercial operations sa loob ng airport complex lalo’t ito na ang kalakaran sa mga mauunlad na bansa. (DANG SAMSON-GARCIA)

42

Related posts

Leave a Comment