‘PAGTAKAS’ NI XIAN GAZA IIMBESTIGAHAN NG DOJ

xian12

DETALYADO ang sinasabing paglabas sa bansa ng negosyanteng si Xian Gaza, inakusahan sa mga milyones na  scam na pinasok nito gayundin sa mga kasong kinakaharap kasama na ang paglabag sa anti-bouncing checks law.

Kasabay nito, ipinag-utos na ng Department of Justice (DoJ) ang imbestigasyon sa pagtakas ni Gaza na umano’y nakalusot sa Immigration sa NAIA at nakalabas ng bansa patungong Singapore, HongKong at Taiwan.

Sinabi ni DoJ spokesperson Usec Mark Pete na inatasan na niya ang Bureau of Immigration na siyasatin ang ulat matapos i-post ni Gaza sa social media ang ginawa niya para makalabas ng bansa.

Gayunman, kahit sinasabing  may mga kasong kinakaharap ang negosyante ay wala naman umano ang pangalan nito sa hold departure order kaya’t malaya itong nakalabas ng bansa.

Ipinakita rin ni Gaza sa kanyang social media account ang mga larawan sa loob ng airport.

Inamin niya na nilalakad na niya ang bago niyang pagkakakilanlan at citizenship sa isang bansa sa Latin America.

Si Gaza ay inaresto noong Abril 2018 sa kasong paglabag sa anti-bouncing checks law at bagama’t nakalaya ito dahil sa piyansa ay nahahanap naman ang negosyante sa tatlong arrest warrant.

Nakilala ang negosyante nang imbitahang magkape ang aktres na si Erich Gonzales sa pamamagitan ng malaking billboard sa Maynila.

Isang starlet din ang sinasabing naging malapit sa negosyante bago nahuli at nakulong.

208

Related posts

Leave a Comment