PALASYO HANDA SA BANTA NI MISUARI

duterte nur12

(NI CHRISTIAN DALE)

HANDA ang Malacanang na tapatan ang anumang banta  ng rebelyon matapos magbabala si Moro National Liberation Front (MNLF) founding chair Nur Misuari na bukas siya sa giyera kapag nabigo ang pamahalan na maitulak ang federal government  sa bansa.

Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte mismo ang nagsapubliko ng plano ni Misuari kasabay ng pahayag ng pagbuo ng bagong  negotiating panels  na tatalakay sa pederalismo na gusto ng MNLF leader para sa mga  Moro people.

“Whatever the product of that discussion, they will have a one-on-one meeting. And then he said, ‘After which, we will celebrate for its success; and if it fails, we will die together.’ That was the response of the President,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo.

Sinabi pa ni Panelo na  nagiging matagumpay naman ang pamahalaan na pakalmahin at tuluyang gapiin  ang Moro separatist movements .

“The Muslim rebellion has been there for so many decades and we have confronted it. We have fought with them; and the republic remains as it is now. We have won over them, meaning to say, we didn’t lose the war. Any threat publicly expressed by anyone is always viewed upon as a serious concern by the government,” aniya pa rin.

Aniya, naniniwala siya na ang pagbabanta ni Misuari na digmaan o giyera kapag hindi natuloy ang pederalismo sa bansa ay isang uri lamang ng expression of disappointment sa kalagayan ng inisyatiba ng pederalismo na nananatiling nakabinbin sa Kongreso.

“I don’t think so. I think he just want to express his disappointment that until now federalism is not still in place,” anito.

Sinabi pa niya na malabong  matuloy ang sinasabing giyera ni Misuari dahil  kumpiyansa ito na magma- materialize o matutuloy ang pederalismo sa nalalabing tatlong taon ni Pangulong Duterte bilang halal na Pangulo ng bansa.

“We would not want to reach that stage. Both sides would want peace, and that is precisely we had the BOL [Bangsamoro Organic Law] and we had to deal with other Muslim rebellious groups,” aniya pa rin sabay sabing malalim ang pagkakaibigan nina Pangulong Duterte at Misuari.

Ang Bangsamoro Organic Law (BOL) ay ang batas na bubuo ng bagong gobyerno at rehiyon sa Bangsamoro.

 

 

227

Related posts

Leave a Comment