PALASYO KAY GAZINI: ALL THE BEST!

(NI CHRISTIAN DALE)

“ALL the best” sa hinaharap para kay Miss Philippines Gazini Ganados.

Ito ang mensahe ng Malakanyang sa naging pambato ng bansa sa katatapos na Miss Universe 2019 bagama’t nasilat na masungkit ang korona.

Sa kalatas  na ipinadala ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, sinabi nitong naipakita ni Ganados sa buong mundo ang ganda at talento ng isang Filipina.

Isang bagay aniya ito na dapat ipagmalaki ng ating mga kababayan.

Ang partisipasyon ni Ganados, ani Panelo, sa nabanggit na prestihiyosong patimpalak ay dagdag na karanasan ng ating pambato ngayong taon sa Miss Universe bilang isang beauty queen.

Pumasok si Ganados sa top 20 ngunit hindi na pinalad pang makapasok sa top 10.

Hindi kasama si Ganados sa sampung kandidata na inanunsyong makaka-abante sa swimsuit at evening gown competition ng Miss Universe Pageant.

Kabilang sa nakasama sa top 10 ang mga kinatawan ng USA, Colombia, Puerto Rico, South Africa, Peru, Iceland, France, Indonesia, Thailand at Mexico.

Sa kaniyang opening speech, binanggit ni Gazados ang advocacy niya para sa mga nakatatanda.

Ayon kay Ganados, siya ay kabilang sa mga grupong nagsusulong ng pangangalaga sa nakatatanda at lumalaban sa ageism.

297

Related posts

Leave a Comment