(NI HARVEY PEREZ)
HINAMON ng Malacanang si Senator Grace Poe na magrekomenda ng traffic czar na sa tingin niya ay makakalutas ng problema sa trapiko sa Metro Manila kung sa pakiramdam niya ay niya ay hindi akma si Transport Chief Arthur Tugade sa trabaho.
Ang reaksiyon ay tugon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa pahayag ni Poe na dapat maglagay si Pangulong Rodeigo Duterte ng traffic czar, bukod kay Tugade, para mangasiwa sa problema sa transportasyon at trapik sa Metro Manila.
“Maybe she should give us a name. Maybe Senator Grace has a person in mind. Why doesn’t she come out with it?” ayon kay Panelo.
Sinabi ni Panelo na ikinukonsidera ni Pangulong Duterte ang lahat ng bagay para maresolba ang problema sa trapiko sa Edsa.
Gayunman,sinabi Panelo na may tiwala pa rin si Duterte sa kakayahan ni Tugade na patuloy na humihingi sa kongreso na mabigyan ng emergency power si Duterte para maresolba ang problema sa trapik sa Edsa.
Hindi umano sang-ayon si Duterte sa sinabi ni Poe na dapat palitan si Tugade.
Samantala, sinagot din ni Panelo ang pahayag ni Poe na nalulungkot siya sa pahayag ni Duterte na hayaan na sa ganoong situwasyon ang Edsa.
“Kinalulungkot niya? Nalulungkot din ako para sa kanya. Kasi kung hindi nila kinontra yung kailangan na pangangailangan at that time, siguro wala na tayong problema sa Edsa,”ayon kay Panelo.
Binigyan na umano sila ng option na solusyon kung saan sinabi ni Duterte na emergency power ang kailangan diyan pero ang paniniwala nila ay baka abusuhin at gamitin sa korupsiyon kaya nayayamot umano si Duterte.
Itinanggi ni Panelo na pababayaan niyang mabulok ang Edsa kung andiyan na ang emergency powers.
128