(NI NOEL ABUEL)
KUMPIYANSA si Senador Richard Gordon na malaking tulong sa milyun-milyong miyembro ng Social Security System (SSS) ang nilagdaang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa senador, natutuwa ito at tuluyang naging batas ang SSS Act of 2019, na naglalayong mapalawak ang kakayahan at obligasyon ng Social Security Commission (SSC) upang matiyak na napapangalagaan ang kinokolektang pera sa taumbayan.
“This is a landmark law for the SSS. The purpose of this law is to uplift the dignity of our people. Magsa-sacrifice ang mga members ngayon by contributing more but they will enjoy a dignified retirement later on. When they retire, they won’t get a pittance. They will retire with a measure of prosperity,” sabi nito.
“This is welcome development. The law provides a sound, viable and meaningful social security for the people by inculcating the principle of ‘Work, Save, Invest and Prosper,'” ayon pa kay Gordon, may akda ng nasabing panukala.
Idinagdag pa nito na ang bagong batas ay magpapalakas sa SSS bilang institusyon at makakapagbigay ng dagdag na benepisyo sa mga miyembro nito at kanilang mga pamilya.
“Our intention here is to collect. We don’t want to put employers into jail. We want them to contribute for the welfare of their employees. But if they insist on being delinquent employers after the end of the condonation program, will not hesitate to put them in jail,” aniya pa.
162