(NI CHRISTIAN DALE)
“LET us move forward. Let us begin. Let us love one another.”
Ito ang panawagan ng Malakanyang ngayong Kapaskuhan.
Naniniwala si Presidential spokesperson Salvador Panelo na nararapat lamang na magkaroon na ng pusong handang makiramay, umunawa at magparaya ang mga Filipino kahit pa sa mga iba ang paniniwala.
Panahon na aniya na simulan nang tingnan ang kabutihan sa bawat bagay.
Sa naging Christmas message ng Malakanyang na inilabas pasado alas-7 ng Miyerkoles ng gabi, sinabi ni Panelo na dapat ding maging bukas ang bawat isa sa pagpapatawad sa mga nakasakit.
“In this season of love, faith, and hope, we call on all Filipinos to start seeing good on everything. Let us have a heart of compassion for others, understanding and tolerance for those disagreeing with us, and forgiving those who offend and pain us,” ayon kay Panelo.
Aniya, ang matagal nang pagkakaiba, kapabayaan at korapsyon ang pumigil sa pag-unlad ng bansa habang ang pagkamuhi at inggit ang sumira sa mga mamamayan.
“Decades of indifference, neglect and corruption have impeded our growth as a nation while hatred and envy have caused rupture amongst us as a people,” sabi pa nito.
Ito na rin aniya ang tamang panahon para ilayo ang sarili sa mga negatibong bagay at gamitin sa pagtamo ng pag-unlad ang mga balakid.
“The time has come to disengage and unchain ourselves from the negatives that engulf us. Let us convert the thorns that prick us into ladders till we reach the petals of roses of progress,” lahad nito.
165