LUMABAG SA CEASEFIRE GUSTONG MALAMAN NI DUTERTE

DUTERTE66

(NI NOEL ABUEL)

KINUMPIRMA ni Senador Christopher Bong Go na interesado si Pangulong  Rodrigo Duterte na malaman  kung  kaninong kampo ang  lumabag sa idineklarang ceasefire ng pamahalaan at ng tropa ng mga rebeldeng New People’s Army.

Kasunod ito ng nangyaring ambush sa tropa ng gobyerno sa Camarines Norte kung saan mayroong namatay at nasugatan.

Sinabi ni Go na base sa pag-uusap nila ni Pangulong Duterte, hindi masisisi ang pamahalaan  kung iti-terminate ang  unilateral ceasefire  kung mapatunayang may paglabag.

Una nito, nanawagan si Go sa rebeldeng  grupo na magtiwala sa Duterte administration  dahil  ito lamang ang  administrasyon na sinsero sa pakikipag-usap sa mga makakaliwa.

Matatandaang kinondena ng Armed Forces  of  the Philippines (AFP) ang ginawang pananambang ng mga rebelde sa tropa ng pamahalaan habang nanindigan ang  NDF na dumepensa lamang sila sa tropa ng   gobyerno.

 

179

Related posts

Leave a Comment