(NI KIKO CUETO)
LUMOBO ang panawagan para ibalik ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport sa orihinal nitong pangalan na Manila International Airport.
Sa online petition na sinimulan noong Enero 18 na BringBack MIA, ay may target na 7,500 na pirma.
Sa ngayon ay mayroon ng itong 6,000 pirma.
Naka-address ang nasabing petisyon kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa “Members of Congress.”
Nais nitong ipawalang bisa ang Republic Act 6639 na naisabatas noong November 27, 1987 na nagpalit sa MIA sa pangalan nitong NAIA.
“(The change of name) was done well in advance of the 10-year prescription period for naming public sites after dead personalities. The height of a self-serving motive to uplift one’s image for political perpetuity, brainwashing and indoctrination,” sinabi sa petisyon.
Nais din ng petisyon na malayo ang international airport mula sa tinatawag nilang “scandalous performance in recent years that earned for NAIA a reputation as the world’s worst airport,” kung saan binanggit nito ang mga ‘laglag-bala’ modus.
Mas mainam umano at mas bagay na sa mga dayuhan na maalala ang Manila International Airport na may magandang history sa pangalan.
May katulad na petisyon na inihain si Roy Domingo noong isang buwan, kung saan nakakuha na ng 17,000 na pirma.
Si Domingo, tubong Cagayan de Oro City, ay gumawa ng petisyon na naka-address kina Pangulong Duterte at sa Kongreso, lalo na kina Senador Richard Gordon, Miguel Zubiri at Manny Pacquiao.
May nauna na ring petisyon sa Kongreso na inihain noong Marso na nangangailangan lang ng 500 na pirma pero nasa 435 na ito.
166