(NI BETH JULIAN)
PUMAYAG si Pangulong Rodrigo Duterte na mag-operate ang STL pero mahigpit itong nagpaalala na dapat sumunod sa mga kondisyon ang mga operators at franchise holders ng STL.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, matatanggal lamang ang suspensyon sa operasyon ng STL kapag nakasunod na sila sa mga itinakdang kondisyon.
Kabilang sa mga kondisyon ay ang pagdedeposito ng franchise holder ng kanilang shares sa PCSO ng tatlong buwan para naman sa franchise holder na hindi pa nakagagawa nito ay kailangang magdeposito ng kanilang kakulangan.
Mayroon ding waiver na pipirmahan ng franchise holder na nangangahulugang hindi maaring magdemand ang mga ito laban sa gobyerno.
Dagdag pa ni Panelo, magiging epektibo ang pagtanggap sa asosasyon ng operasyon ng STL sa sandaling mailathala na sa mga pahayagan ang implementing rules and regulations (IRR).
149