‘ROTC ‘WAG IPILIT’ 

imee66

(NI NOEL ABUEL)

HINDI dapat ipilit na obligahin ang mga estudyante na sumailalim sa Reserved Officers’ Training Corps (ROTC).

Ito ang giit ni Senador Imee Marcos kung saan ang ROTC aniya ay hindi maging opsiyon sa halip na magamit ito bilang high school requirement para sa graduation.

“The total absence of community service subjects in the curriculum of the Reserved Officers’ Training Corps (ROTC) and its very name alone make it an ‘overtly military’ program,” ayon kay Marcos.

“You can’t legislate nationalism or force kids to be soldiers,” dagdag pa nito.

Aniya, nagkakamali ang military officials na isulong ang pagbuhay sa ROTC program sa high school.

Inihalimbawa pa ni Marcos ang kabiguan sa follow-up retraining program na kahalintulad sa   South Korea o Singapore na mag-a-upgrade sa kasanayan bilang ROTC cadets sa oras na matapos ang basic education.

Apela nito sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na bumuo ng database na magagamit para magabayan ang mga ROTC cadets na posibleng magtuloy sa military service.

 

 

246

Related posts

Leave a Comment