‘PERFORMANCE REVIEW’ NG PALASYO KINUWESTYON NG OMBUDSMAN

KINUWESTIYON ng Office of the Ombudsman ang memorandum ng Presidential Management Staff (PMS) na nag-uutos sa lahat ng presidential appointees na magsumite ng iba’t ibang clearance na kailangan para sa performance review.

Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, ngayon lang siya nakakita ng memorandum ng Palasyo na naka-address sa lahat ng pinuno ng gobyerno pero walang lagda ng Executive Secretary.

Dapat aniyang kalihim ng ehekutibo ang pumirma sa memorandum.

Nabigo rin aniya ang PMS na malinaw na tukuyin ang mga sakop ng memo at isaalang-alang ang maikling deadline na 30-araw.

Magugunitang inatasan ang lahat ng incumbent presidential appointees na itinalaga bago ang Pebrero 1, 2023 na isumite ang kanilang updated personal data sheet at mga clearance mula sa Civil Service Commission, National Bureau of Investigation, Office of the Ombudsman at Sandiganbayan.

Gayunpaman, ipinahiwatig ni Martires na nabigo ang tanggapan ng PMS na isaalang-alang ang ikli ng deadline para sa pagsunod, halos 30 araw lamang.

Iginiit ni Martires mahirap sumunod sa 30-day deadline na ipinataw ng PMS dahil hindi maaaring magbigay ng special o fast lane treatment ang Ombudsman sa presidential appointees na nag-apply para sa clearance.

(JULIET PACOT)

124

Related posts

Leave a Comment