ALEGASYON NG KAMARA ITINANGGI NI VILLANUEVA

PINABULAANAN ni Senate Majority Leader Joel Villanueva, sa isang privilege speech, ang mga alegasyon laban sa kanya ng ilang miyembro ng House of Representatives.

Sinabi ni Villanueva na ang kaso laban sa kanya na iniharap ni House Committee on Appropriations Chair Rep. Zaldy Co, na tinukoy niya bilang “Dracula Contractor”, ay na-dismiss na.

“Meron pong naninira, pilit na binabagsak, iniinsulto at inaalipusta ang mga miyembro ng Senado,” ayon pa sa Majority Leader.

Kasabay nito ay nagpakita ng ebidensya si Villanueva sa umano’y mga kontrobersiya na kinasasangkutan naman ng Sunwest Corporation Inc. na pag-aari aniya ni Co.

(DANNY BACOLOD)

26

Related posts

Leave a Comment