PINAS BUKAS SA ALOK NG JAPAN SA KALIWA DAM

kaliwa dam12

(NI BETH JULIAN)

HINDI isinasara ng gobyerno ang pintuan sa alok ng Japan na pondohan ang pagpapatayo ng Kaliwa dam sa lalawigan ng Quezon.

Sa kabila ito ng nauna nang mga impormasyon na manggagaling na sa China ang pondong gagamitin dito.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, na pinag-aaralan na ngayon ng gobyerno ang alok ng isang Japanese company para sa proyekto.

Sinasabing lumalabas na mas mura at mas ligtas umano ang alok ng Japan para sa dam project.

Ayon kay Panelo, kailangan at marapat lamang na ikonsidera ang lahat ng mga panukala na makatutulong para mabilis na matugunan ang  mga nararanasang  kakulangan ng tubig sa bansa.

Una nang inihayag ng Malacanang na malabong matuloy ang planong pagtatayo ng Kaliwa dam na popondohan ng China kahit nakararanas na ng kakapusan ng tubig sa bansa dahil marami ang tumututol dito.

166

Related posts

Leave a Comment