‘PINAS MALABONG MAHULOG SA DEBT TRAP – DoF

dof101

(NI BETH JULIAN)

MALABONG mahulog sa tinatawag na China debt trap ang Pilipinas kaugnay ng pag-utang dito ng pera para pondohan ang Chico Dam project.

Sa economic briefing sa Malacanang, nilinaw ni Finance Usec. Bayani Agabin, na hindi ginawang kolateral ang Reed Bank sa pagkakautang ng bansa sa China.

Binigyan-diin ni Agabin na ang sinasabi lamang sa memorandum of agreement ay ang mga sumusunod; halimbawa lamang na dumating ang punto na mawalan ng pambayad ang Pilipinas sa pagkakautang nito ay maaring ipambayad ang nakadepositong langis sa Recto Bank.

Gayunman, hindi maaring sabihin na kapag nagkaroon ng default sa pagbayad sa utang ay may karapatan na ang China.

Ayon kay Agabin, malinaw ang nakasaad sa batas na ang mga lupain, karagatan at likas na  yaman na pagmamay-ari ng Pilipinas ay hindi maaaring angkinin ng kahit alin pa mang bansa sa mundo.

Sa usapin naman ng paggamit ng gas deposit bilang pambayad-utang, sinabi nito na hindi rin ito magiging madali dahil kailangan pang dumaan sa arbitration o isangguni sa korte sa Pilipinas para magkaroon ng import of arbitration award.

Gayunman, siniguro naman ng Department of Finance na malabo pa namang mangyari ang nasabing scenario dahil kilala ang Pilipinas bilang bansa na may magandang track record pagdating sa pagbabayad ng mga foreign loan.

157

Related posts

Leave a Comment