KAPUSO ACTOR MIGO ADECER, PATUNG-PATONG ANG KASO!

migo adecer

SAKSI AKO copy(NI KC GUERRERO)

MAKE or break para sa 19-year-old “Starstruck” winner at “Sahaya” actor Migo Adecer (real name: Douglas Errol Dreyfus Adecer) ang mga kasong kinasasangkutan niya ngayon: resisting arrest, disobedience to person in authority, falsification of public documents at reckless imprudence resulting in serious physical injuries and damage to government property.

Nagtangkang takasan diumano ni Adecer ang dalawang empleyado ng MMDA na nasagi ng sasakyan na minamaneho niya sa bandang Makati nung gabi ng Martes, Marso 26.

Sabi ng abogado ni Migo Adecer na si Atty. Marie Glen Abraham-Garduque, pananagutan ni Migo Adecer ang gastos sa pagpapagamot ng dalawang MMDA employees na nabundol niya.

Inalmahan ng mga  pulis ang kanyang pagpapahabol pa sa kanila. Nangyari ‘yon sa JP Rizal sa Barangay Poblacion, hinabol siya ng pulis at inabutan doon sa kanto ng Nicanor Garcia (dating Reposo St.). Malayong habulan ang nangyari.

Nang napatigil na si Migo ay ayaw pa raw nitong bumaba ng sasakyan. Tinangka pang makaalis kahit na may nakaharang na mobile ng pulis sa harapan ng kanyang puting Subaru, at inatrasan daw niya ang isang mobile ng pulis na nakaharang na rin sa likuran niya.

At DUI. Mabigat na kaso rin ang driving under the influence.

Mas mabigat pang kaso: Bandang alas singko ng hapon, nahuli na rin pala siya sa may Rockwell, natikitan at kinum­piska ang lisensiya. Nang hulihin siya ng gabi matapos makabundol, may inilabas pa siyang another licence. Obviously, isa roon ay peke!

Madaling kausapin ‘yung nabundol niya. Bayaran lang niya ang gastos sa pagpapagamot. Bayaran niya ang nawala sa kita ng mga tao dahil hindi makapagtrabaho. Ang ibang kaso na nagawa niya ay produkto ng tama ng alak, ‘yun ang mahirap pagtakpan o hilutin. Surreal tuloy ang naranasan niya:  natulog sa selda, nag-“piano,” kinunan ng mugshots, at humarap sa piskal dahil lang sa kalasingan niya.

Mag-isa si Migo sa Pilipinas. Gusto kasi niyang maging artista. Mga magulang naman niya ay todo-kayod sa trabaho sa Australia para masuportahan ang magastos niyang passion.

Ano na ang mararamdaman ng mga parents na nananahimik at sobrang kumakayod tapos mababalitaan sa online news na may nangyaring ganoon sa anak nila?

Stressful for the parents at sa GMA-7 Artist Center (management team ni Migo)!

SINO SI MIGO ADECER?

Bago nagwagi si Migo Adecer (Douglas Errol Dreyfus Adecer in real life) bilang Ultimate Male Survivor sa sixth Season ng “StarStruck” (2015), ang reality-based artista search ng GMA Network ay nainterbyu namin siya along with the finalists.

Ang aking ginoghost write minsan/bff (SLN) Alfie Lorenzo ang nag-utos sa akin na si Migo ang  una kong tawagin para sa exclusive interview sa GMA-7 new studio.

Until now, hindi pa rin kilala si Migo ng karamihan. May TV com na ‘yan, huh.

Nineteen years old si Migo, Fil-Australian, at lumabas sa requel ng Encantadia (2016), Pinoy adaptation ng My Love From The Star (2017), The One That Got Away (2018), at Ika-5 Utos (2018).

Ka-triangle ni Migo sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa bagong Kapuso primetime series na Sahaya.

Third wheel din  si Migo kina Kyline Alcantara at Manolo Pedrosa sa first movie niyang  gagawin entitled Black Lipstick.

 

 

123

Related posts

Leave a Comment