PINOY LUGI SA TRAIN 2 BILL– SOLON

tax55

(NI BERNARD TAGUINOD)

LUGI ang lahat ng Filipino sa ikalawang bahagi ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) dahil habang patuloy na binubuwisan ang mga ito ay bibigyan naman ng tax cuts ang mga malalaking kompanya at negosyante.

Ito ang pahayag ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa press conference kaugnay ng nasabing panukala na isa sa mga nakalinyang prayoridad ng Kongreso na maipasa sa lalong madaling panahon.

Ang TRAIN 2 ay tinawag na TRABAHO o Tax Reform for Attracting Better and High-Quality Opportunities subalit ayon kay House ways and means committee chair Joey Salceda ay pinalitan na ito sa pangalang CITIRA o.  Corporate Income Tax and Incentive Reform Act.

“Ano ba ang nilalaman ng TRABAHO bill?, Nag-TRAIN  law ka sa simula na ang mga tao ay hanggang ngayon ay nagbubuwis, ang mga mahihirap, all of us ay nagbubuwis. Ngayon yung trabaho Law, taxs cut naman siya para sa mga malalaking kumpanya at malalaking negosyo,” ani Brosas.

Insentibo, aniya, para sa mga malalaking kompanya at mga negosyante ang nasabing panukala habang ang ipinapabalikat umano sa mga ordinaryong mamamayan ang magdurusa para pondohan ang mga proyektong isinusulong ng gobyernong Duterte.

“Magbibigay tayo (taumbayan) ng buwis para diyan (mga proyekto) samantalang magbibigay tayo ng tax cut sa mga malalaking kumpanya,” dismayadong pahayag ni Brosas.

P1.4 MILLION KAYOD SA CITIRA

Subalit, ayon kay Salceda na siyang may-akda sa CITIRA, kapag naipasa ang panukalang ito ay magkakaroon ng karagdagang 1.4 million trabaho sa bansa at lalo ang ekonomiya.

Sa ilalim ng nasabing panukala, ibababa sa 20% ang corporate income tax  ng mga negosyante mula sa kasalukuyang 30% kung saan target na maipatupad ito hanggang sa 2029 kung saan ang matitipid umano ng mga negosyante sa buwis ay gagamitin nila sa ekspansyon ng kanilang negosyo.

96

Related posts

Leave a Comment