PINOY, MISIS SA MURDER-SUICIDE SA HAWAII HOME CARE

DAF12

(NI KIKO CUETO)

PATAY ang isang Pinoy at kanyang asawa sa isyu ng murder-suicide sa Kalihi, Hawaii, ayon sa report na nakuha ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa report nangyari ito sa Kalihi Carehome.

Hindi naman pinangalanan ang dalawang biktima, at patuloy ang imbestigasyon sa kung sino ang nagpaputok ng natagpuang baril.

Sinabi naman ng Honolulu Police Department na nakatanggap sila ng mga tawag sa kanilang 911 system ng mga narinig na umalingawngaw na putok ng baril mula sa home care.

“Officers arrived and we did find a female in her mid- to late forties that was apparently wounded from a gunshot wound, so she was rushed to Queen’s Medical Center where she did expire. There was an adult male also in his mid-forties that appears lifeless,” sinabi umano ni Capt. Robert Towne.

Sa paunang imbestigasyon, sinasabing nangyari ang pagputok sa ibaba ng home care, at may apat na iba pa na nakakita sa insidente.

“Everything else pretty much is under investigation and we’re still learning things as it unfolds. I just don’t want people in Kalihi to think that there is a gunman running around there right now,” sinabi ni Towne.

Ang Kalihi facility, na tinatawag na Community Care Foster Family Home, ay lisensyado ng Department of Health.

Patuloy ang imbestigasyon sa krimen.

 

 

160

Related posts

Leave a Comment