PINOY NA NAGUGUTOM NABAWASAN

happy eating12

(NI DAHLIA S. ANIN)

SA bagong labas na survey ng Social Weather Station (SWS), lumabas na mas kaunti ang mga Pilipinong nakararanas ng gutom ngayon kumpara noong nakaraang taon sa parehong panahon.

Ayon sa survey 9.5 % o tinatayang 2.3 milyong pamilya ang nakararanas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan ng kasalukuyang taon.

Ang gutom na sinasabi dito ay ang hindi sinasadyang pagkaranas nito dahil karamihan sa mga tanong sa survey ay gutom na nararanasan dahil sa kakulangan ng pagkain na kakainin.

Mas mababa ng 9.5 porsyento ito sa unang bahagi ng 2019 ng isang puntos kaysa sa 10.5 % o nasa 2.4 milyong pamilya noong nakaraang taon sa parehong panahon.

Sa kabuuang 9.5 porsyento, 8.1% o nasa dalawang milyong pamilya ang nakararanas ng katatamtamang gutom lamang at ang natitirang 1.3% naman ay matinding kagutuman ang nararanasan.

174

Related posts

Leave a Comment