(NI BETH JULIAN)
MABIBITIN pa rin ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2019 national budget.
Ito ay matapos kumpirmahin ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo na hindi matutuloy ang ceremonial signing ni Pnagulong Duterte sa general Appropriations acts of 2019 na una nang itinakda sa Lunes, April 15.
Gayunman, hindi masabi ni Panelo kung bakit iniatras ang schedule para sa ceremonial signing sa Lunes.
Dahil nawala na sa kalendaryo ng Pangulo, sinabi ni Panelo na baka pagkatapos na ng Mahal na Araw na ito mapirmahan.
Ayon kay Panelo, pinag-aaralan pa ng Pangulo ang 2019 national budget.
Dahil sa mga pagbabagong schedule sa signing ceremony, nananatili pa rin na ang reenacted budget ang gagamitin ng pamahalaan.
Wala pa rin impormasyom si Panelo kung gagamitin ng Pangulo ang kanyang line veto power sa pagpasa sa 2019 pambansang budget.
Magpapalipas ng paggnunita ng Semana Santa sa bahay nito sa Davao City kasama ang kanyang pamilya.
119