POGOs SA BALWARTE NG MGA REMULLA UNTOUCHABLE?

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

TILA ganito ang nais sabihin ng vlogger na si Banay By nang kwestyunin niya sa kanilang programa ng Banateros sa SMNI kung bakit hindi kasama sa mga iniimbestigahan ng Senado ang POGO-han sa lalawigan ng Cavite.

Ayon sa vlogger, kung sinsero ang grupo ni Senator Risa Hontiveros na matumbok ang lahat ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa ay dapat busisiin din ang iba pa lalo na ang malalaki sa halip na tumutok lang sa Bamban, Tarlac.

“Kaya napaplastikan ako kay Hontiveros kasi namimili lang siya ng POGO na babanatan. Kung gusto mo talagang banatan ang lahat ng POGO bakit hindi mo ungkatin pati yung iba pa? Dalawin mo yun sa Cavite. Bakit meron ba kayong pinoproteksyunan dyan sa Cavite?

Ang tinutukoy ni Banat By ay ang dating Island Cove na ngayon ay tinaguriang POGO Island dahil sa lawak ng sakop nito.

Pinuna rin niya na tila pagpapapogi na lang ang nangyayari sa pagpapatuloy ng imbestigasyon kay Mayor Alice Guo ng Bamban.

Una nang pinuna ng mga netizen ang Cavite POGO dahil sa pananahimik umano ng mga Remulla na dating nagmamay-ari ng lupaing ginawang POGO-han.

Ayon sa ulat, ang nasa 36 ektaryang Island Cove ay na-convert na ngayong bilang POGO hub na kayang mag-accommodate ng mula 20,000 hanggang 50,000 Chinese workers.

Dahil dito, duda ang mga netizen na may basbas ng mga Remulla kaya pinahintulutan ang dambuhalang POGO sa lalawigan.

Kasunod naman ng pag-trending ng Cavite POGO ay naglabas ng paglilinaw si Cavite Gov. Jonvic Remulla.

Aniya, ibinenta nila ang Island Cove noong 2018.

Kaya hinamon niya ang mga netizen na maglabas ng patunay na sangkot ang kanyang pamilya sa POGO.

“Ako po ay handang magbigay ng P10 milyon pabuya para sa sinoman na magpapatunay na kami ay may kinalalaman sa kasalukuyang operasyon ng isla,” bahagi ng post ni Remulla.

Sinopla naman ito ng isang netizen. Sa halip umanong mag-alok ng P10 milyon ang gobernador ay mas makabubuting ipasara niya ang POGO.

Isang netizen din ang nag-post na ang kontrobersyal na negosyanteng si Kim Wong at anak nitong si Kevin ang bumili sa mga Remulla ng Island Cove. Ang redevelopment ng isla ay pinamamahalaan umano ng First Orient International Ventures Corp.

Dahil naman sa kontrobersyang kinasasangkutan ngayon ni Bamban Mayor Alice Guo kaugnay ng POGO sa kanyang bayan ay kinakantyawan din ang mga opisyal ng bayan ng Kawit sa Cavite na posibleng susunod na ipatawag sa Senado.

Kantyaw ng isang netizen, posibleng ninenerbyos na ang mga lokal na opisyal ng Kawit at pinag-aaralan ang kanilang mga isasagot sakaling imbestigahan din sila.

87

Related posts

Leave a Comment