(NI BERNARD TAGUINOD)
BUBUSISIIN ng oposisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ginagastos ng Department of Health (DoH) sa kanilang kampanya laban sa dengue kung saan patuloy na dumarami ang nabibiktima.
Ito ang siniguro ni House assistant minority leader Janette Garin kung saan kinumpirma nito na namumudmod ng dengue kits kahit nagbabala ito na posibleng pagmulan ito ng korupsyon.
“Matagal na (namimigay ng dengue kit ang DoH) since pumutok yung dengvaxia scare. Good to investigate anu-ano ba pinaggastusan ng DoH,” ani Garin dahil sa kabila nito ay dumarami umano ang biktima ng dengue.
Unang nagbabala si Garin na pagmumulan ng katiwalian ang dengue kits na hindi naman aniya nakatutulong para masugpo ang dengue subalit itinuloy pa rin aniya ito ng DoH.
“Stop using the DoH funds and the people’s money for buying the useless dengue kit. Eto po ay isang bag, may tubig, may paracetamol, may konting lotion para pangontra sa lamok at the end of the day these are not effective, this are not based on science, “ ang babala noon ni Garin.
Samantala, hindi na ikinagulat ni Garin ang patuloy na pagtutol ni Dr. Eduardo Janairo, chair ng dengue task force, na ibalik ang dengvaxia upang maproteksyunan na ang mga biktima ng dengue dahil matagal na umano itong tutol sa mga bakuna.
“Dr. Janeiro has always been anti-vaccine. I was wondering why Sec Duque appointed him as head of task force,” sabi pa ni Garin.
250