PRESYO NG NFA RICE  ‘DI MAGTATAAS — DA

nfa1

(NI FRANCIS SORIANO)

TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) na walang magaganap na pagbabago o pagtaas sa presyo ng mga bigas ng National Food Authority (NFA) kahit na sunud-sunod ang mga pagtaas ng presyo ng mga iba’t-ibang produkto sa mga pamilihan.

Ayon kay DA Secretary Manny Piñol, isang dahilan dito ay ang sapat na suplay ng bigas sa bansa at bababa pa umano ito sa pagpasok ng mga imported na bigas dahil sa Rice Tarrification Law.

Bukod dito ay nabibili rin sa murang halaga ang mga lokal na palay kaya hindi pa tumataas ang presyo ng mga NFA rice sa buong bansa.

Samantala,  matatandan na noong nakaraang taon ay umabot pa sa halos P40.00 ang kada kilo ng NFA rice na naging problema ng mga mamimili.

 

139

Related posts

Leave a Comment