(NI BERNARD TAGUINOD)
DAHIL sa hindi maresolbang problema sa Small Town Lottery (STL), irerekomenda umano ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Duterte na irevamp ang Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO).
“We will recommend revamp in some of the offices, some members of the Board should be replaced. There are only five, mamili na lang kayo kung sino, with the exception of Sandra Cam,” ani House minority leader Danilo Suarez.
Nitong Martes, muling nagsagawa ang House committee on public account na pinammunuan ni Suarez at at Committee on games and amusement na pinamumunuan naman ni Paranaque Rep. Gus Tambunting kung saan natuklasan ng 42 na ang non-compliant na Authorised STL Agents (ASAs) mula sa dating 33 ang nabigong magremit ng Presumptive Monthly Retail Receipts (PMRR) kaya tinatayang P4.65 Billion ang nawawalang kita ng PCSO.
“STL sales have plummeted. Are these loses demand or supply-driven? Are the people veering away from betting on STL? Or are sales grossly underreported, so PMRR can be negotiated?,” ani Suarez.
Maliban dito, dapat aniyang ipull-out na ang mga PCSO personnels sa mga lugar na may STL operations subalit hindi nagreremit kaya palaki nang palaki ang nawawala sa gobyerno.
“It is part of our report na naging weakness ay ‘yung naglagay sila ng hindi nakakaintindi ng gaming and it does not really see the potential, the social benefits that can be derived at from the revenue of the PCSO. Nawala ang intention at vision ng social services,”ayon pa kay Suarez.
“Talagang nakakaalarma just think of it meron kang TRO, nag-ooperate pa rin, pero ang iba hindi nila pinapaoperate, merong injunction so hindi balanse, hindi parehas ang pagtingin ng ating enforcement agency like PCSO dun sa treatment sa client nila, yung mga ASAs. Kung magiging strategy na gagawin ng ating mga ASAs, dadating ang puntos lahat ito ay magpa-file ng TRO at hindi magbabayad,” ayon naman kay Coop-Natcco party-list Rep. Anthony Bravo.
515