PROTEKSIYON SA MGA TURISTA OK SA KAMARA

tour

(NI ABBY MENDOZA)

APRUBADO na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na bubuo ng intergovernmental task force para sa proteksyon at assistance sa mga turista sa bansa.

Batay sa House Bill 8961 na iniakda ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, kinikilala ang sektor ng turismo bilang major contributor sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Nakasaad sa panukala ang pagtatatag ng Tourist Protection and Assistance Task Force na mangangasiwa sa pagkakaroon ng directional signages sa tourist facilities, pagpapakalat ng multilingual travel and tourism information at promotional materials.

Magkakaroon rin ng toll-free telephone assistance system, institusyong hahawak sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga turista at koordinasyon sa LGUs para sa pagtatayo ng help desks.

Bukod sa kalihim ng Tourism Department, kasama sa task force ang secretaries ng DOTr, DPWH, Department of Justice, at PNP chief.

Ipinaliwanag ni Arroyo na ang turismo ang isa sa mga pinanggagalingan ng employment opportunities, kita sa foreign exchange at para mas makilala ang Pilipinas sa ibang mga bansa kaya naman mahalagamg bigyan ito ng assistance.

Naniniwala ito na mas maraming turista ang mahihikayat na bumisita sa bansa kung alam nilang may assistance silang maasahan para maging maayos ang kanilang travel.

261

Related posts

Leave a Comment