PUBLIKO HININGIAN NG TULONG VS POLIO

(NI NOEL ABUEL)

UMAPELA ang ilang senador sa taumbayan na makipagtulungan sa pamahalaan kaugnay ng isinasagawang pagbabakuna kontra polio.

Sinabi ni Senador Christopher Bong  Go na mahalaga na mabigyan ng bakuna ang lahat ng paslit para malayo sa karamdaman at posibleng kamatayan.

Aniya, libre naman ang  ibinibigay na bakuna ng Department of Health (DOH) kung kaya’t dapat na makiisa na lang  ang sambayanan para mapagtagumpayan ang  programa ng  gobyerno kontra sa naturang  sakit.

Ayon kay Go, nagpapatuloy ang programa kung saan, ayon sa report ng  DOH, ay nasa 95% na ang  mga nagpapabakuna ng kanilang mga anak sa buong bansa.

Bilang Senate Committee on Health chair ay tutok si Go sa pagbabakuna ng  DOH.

Una nang kinumpirma ng  DOH na mula sa Mindanao ang  ika-6 at ika-7 biktima  ng polio sa bansa.

 

152

Related posts

Leave a Comment