RAIN COLLECTION LAW BUBUHAYIN SA KONGRESO

rainwater12

(NI BERNARD TAGUINOD)

IIMBESTIGAHAN NG ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kung bakit pinatulog ng gobyerno mula noong 1989 ang Republic Act (RA) 6716 o Rainwater Collector and Springs Development Law.

Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, hindi na nakakapagtataka kung bakit na namomroblema ang bansa tuwing panahon ng tag-init dahil hindi ipinatutupad ng gobyerno ang batas na reresolba sana sa nasabing problema.

“I want Congress to investigate what he called “the lifeless performance” of a 30-year-old law that requires the installation of rainwater collectors in all barangays” ani Pimentel.

Sa ilalim ng nasabing batas, inaatasan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na magtayo ng mga water wells, rain collectors at iba pa upang hindi masayang ang tubig kapag panahon ng ulan.

Gayunpaman, mula nang maging batas ito noong 1989 ay hindi ito naipatupad kaya nais alamin ng Kongreso ang mga dahilan kung bakit ito binalewala ng gobyerno gayung malaking tulong ito sana sa buong bansa kapag panahon ng tag-init.

“Congress has to ascertain the factors holding up the law’s aggressive operation, and fix the problem right away –whether it is simply due to lack of funding or other issues,” anang mambabatas.

Sa ngayon ay problemado umano sa tubig, hindi lamang ang Metro Manila kundi ang 71 probinsya sa bansa subalit hindi ito aniya sana nangyari kung naipatupad lang ang nasabing batas sa nakaraang 30 taon.

Kailangan na aniya ang seryosohin ang nasabing batas dahil kung hindi ay paulit-ulit na mararanasan ang problema sa kakulangan ng tubig sa buong bansa tuwing panahon ng tag-init lalo na kung oras ng El Nino.

 

447

Related posts

Leave a Comment