RELOKASYON NG SQUATTERS SA MANILA BAY, 24% PA LANG –NHA

(NI JEDI PIA REYES)

IPINAMAMADALI na ng House Committee on Natural Resources sa National Housing Authority ang paghahanap ng relokasyon at pagtatayo ng pabahay para sa mga informal settler sa paligid ng Manila Bay.

Ayon kay committee chairman Rep. Elpidio Barzaga Jr., hindi tuluyang malilinis ang Manila Bay hangga’t may mga informal settler na nagtatapon sa ilog.

Sinasabing 80 porsiyento ng polusyon sa Manila Bay ay mula sa mga basurang itinatapon ng informal settlers.

Sa pagdinig ng komite, sinabi ni Christine Firmalino ng NHA, na nasa 24 porsyento pa lang ng mga informal settler sa Manila Bay ang kanilang nailipat sa ibang lugar.

Patuloy pa aniya silang naghahanap ng relocation sites sa National Capital Region, Bulacan at Cavite.

Para sa taong 2019, may inilaang P8 bilyon pondo para sa resettlement habang P25.4 bilyon ang badyet para sa taong 2020.

210

Related posts

Leave a Comment