REP. DUTERTE SASALI NA SA SPEAKERSHIP RACE

polo21

(NI ABBY MENDOZA)

NAGKAKAWATAK-WATAK na umano ang  mga miyembro ng Mababang Kapulungan dahilan para ikonsidera na rin ni Rep. Paolo Duterte na makisawsaw na sa speakership race sa layuning mapag-isa niyang muli ang mga ito.

Kasabay nito, nais ng batang Duterte na magkaroon ng hindi lamang iisang House speaker, kundi House speaker para sa Luzon, Visayas, Mindanao at Partyist Groups.

Sa isang statement, sinabi ng batang Duterte na hindi isyu kung sino ang speaker at hindi ito para sa dalawang tao lamang kundi para sa buong bansa, nais ni Duterte na magkaroon na lamang ng tig-iisang speaker para sa Mindanao Bloc Visayas Bloc at partylist.

“I will ask the Visayas bloc to elect their speaker for their term share, and so with the Mindanao bloc and the partylist coalition. We are not talking about two persons here. We are talking about our beloved country. It is not about speakership alone, but who is the right person to unite Congress and I hope those running for the speakership stop influencing the Cabinet,”giit pa nito.

Una nang sinabi ng batang Duterte na hindi siya tatakbo bilang House Speaker subalit sa ngayon ay kinokonsidera na umano nya na sumali sa speakership race.

Sa ipinalabas na statement ni Duterte, ipinaliwanag nito na ang kanyang pagsali sa speakership ay dahil na rin sa hangad nya na pagkaisahin ang mga mambabatas na nagkakawatak-watak na dahil sa speakership issue.

“Moapil na ko pagka-speaker.The House is divided, I might be able to help unite it. Pareho lang kaming binoto ng mga tao ah. Kung term sharing, term sharing na kaming lahat,” pahayag ni Duterte.

Matatandaan na una nang nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na kung tatakbo bilang House Speaker ang kanyang anak ay magre-resign ito.

“Itong si Paolo, sinabi ko sa kanya: If you run for speakership, let me know. Kasi kung tatakbo ka, magre-resign ako. Kasi marami na tayo. Nandiyan na ang kapatid mo na mayor. So uneasy,” nauna nang pahayag ng Pangulo.

Tinangka naman ng mga mamamahayag na humingi ng reaksyon sa mga Kongresista ukol sa pagtakbo ni Duterte subalit wala sa mga ito ang nais na magbigay ng anumang pahayag.

 

138

Related posts

Leave a Comment