REWARD AABOT NG P30 MILYON VS BATOCABE KILLERS

BATOCDABE

(NI BERNARD TAGUINOD)

POSIBLENG umabot sa P30 milyon ang reward money o patong sa ulo ng mga pumatay at nagpapatay kay AKO Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe at sa kanyang bodyguard na si SPO1 Orlando Diaz.

Ito ang kinumpirma ni AKO Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin Jr., matapos maglaan ang kanilang partido ng P15 milyong reward habang  dalawang milyon naman ang ibibigay ng probinsiya ng Albay.

Sa ngayon, ayon kay Garbin, umaabot na sa P25 milyon ang reward money kasama ang P5 milyon na ambagan ng may 153 congressman/women na inisyatiba ni Negross Occidental Rep. Albee Benitez.

“Yes that’s confirmed (P25 million reward money) in fact baka umabot ng 30M,” ani Garbin.

Nabatid kay Benitez na nag-commit ang bawat mambabatas ng tig-P30,000 para sa reward money kaya inaasahang makakalikom ng P8.7 million mula sa  292 na miyembro ng Kamara.

Ayon kay Benitez, walang mag-aakala na may papatay kay Batocabe lalo na noong panahong hindi pa ito nagdedesisyong tumakbo bilang mayor ng Daraga Albay sa susunod na eleksyon sa 2019.

 

7

Related posts

Leave a Comment