DARAGA POLICE CHIEF SINIBAK

bato 500

SINIBAK sa tungkulin si Daraga Chief of Police Supt. Ben Lipad, Jr., matapos ang pagpatay kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe, base sa kautusan ni Philippine National Police chief, Director General Oscar Albayalde

Sinabi ni Chief Inspector Maria Luisa Calubaquib, spokesperson ng Special Investigation Task Group Batocabe, iniutos na ng pamunuan ng PNP ang pagtanggal sa posisyon ni Dipad.

Papalitan si Dipad ni Superintendent Dennis Balla, ayon pa kay Calubaquib.

Hindi naman sinabi ni Calubaquib ang dahilan ng pagsibak kay Dipad ngunit dapat umanong nasa full alert ang kapulisan sa lugar matapos ang sunud-sunod na pag-atake ng mga rebeldeng New People’s Army doon.

Sinabi ni Calubaquib na kahit wala na sa posisyon ay nangako si Dipad na makikipagtulungan pa rin upang malutas ang pagpatay kay Batocabe./jda

5

Related posts

Leave a Comment