SINIPA na ng Ateneo de Manila University ang high school student na nam-bully at nanakit sa kapwa estudyante sa loob ng unibersidad.
Sa statement na inilabas ni Ateneo President Jose Ramon Villarin, SJ, ang desisyon na sipain ang bata ay matapos ang isinagawang imbestigasyon, kabilang ang pagkinig sa dalawang panig ng nasasangkot.
“Nangangahulugan na hindi na maaaring bumalik sa Ateneo ang estudyante,” sabi ni Villarin.
Inaalam na rin ng unibersidad ang ilang procedure kung paanong hindi na maulit ang insidente sa mga susunod na panahon.
Nag-viral ang video ng batang miyembro ng Taekwondo matapos paduguin ang mukha ng isa pang estudyante habang nasa comfort room. Hindi lamang umano iyon ang insidenteng kinasangkutan ng batang bully kundi marami pa sa loob at paligid ng eskuwelahan.
231