NALUSUTAN ng aktor na si Richard Gutierrez ang tax evasion case matapos ibasura ng Department of Justice (DOJ) ang mga kasong isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na may kinalaman sa P38.5 milyon hindi pagbayad ng tamang buwis.
Sa dalawang magkahiwalay na resolusyon na pinirmahan ni ni Assistant State Prosecutor Christine Perolino, inabsuwelto ng DoJ si Gutierrez at ibinasura naman ang reklamong isinampa ng BIR.
Unang sinabi ng BIR na nagsumite umano ang aktor ng mga pekeng dokumento at hindi ito nagbayad ng tamang buwis.
Gayunman, nabatid na hindi peke ang annual income tax return ng aktor noong 2012 gayundin ang anim na quarterly value-added tax returns na inihain nito.
Mayroon umano itong stamp ng revenue district office No. 42 sa San Juan City at ang accountant na ito ang nag-file ng buwis para sa kanyang kumpanya na R Gutz Production Corporation. Sinasabi rin sa desisyon na ang mga dokumento inihain ni Gutierrez ay may orihinal na receipt stamp mula sa BIR kung kaya’t lumalabas na suportado ng financial statement ang kanyang argumento.
180